Pagasa

Pagasa: 2 cyclone tatama sa PH ngayong linggo

110 Views

DALAWA pang tropical cyclone ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo, ayon sa state weather bureau Pagasa.

Sa isang press conference, sinabi ni Pagasaadministrator Nathaniel Servando, bukod sa Severe Tropical Storm Nika, binabantayan din nila ang dalawa pang tropical cyclone na maaaring pangalanang “Ofel” at “Pepito”, ayon sa pagkakasunod, sakaling pumasok sa PAR.

Ayon sa Pagasa, maaaring mag-landfall si Ofel sa Nobyembre 14 o 15, habang ang landfall ni Pepito ay maaaring nasa pagitan ng Nobyembre 16 at 17.

Sa kasalukuyan, 11 lugar sa Luzon ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 matapos na bahagyang lumakas si Nika habang kumikilos pakanluran.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga local government units (LGUs) na magpatupad ng mandatory evacuation sa 2,500 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR) na prone sa landslide.