LPA

Pagasa itinaas Signal No. 1 sa 15 lalawigan

190 Views

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 15 lugar habang gumagalaw ang tropical depression Kristine sa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) noong Lunes.

Sa 11:00 a.m. bulletin, sinabi ng Pagasa na ang mga lugar sa Luzon na nasa signal no.1 ang Catanduanes, Masbate kasama ang Ticao Island at Burias Island; Camarines Sur; Albay; Sorsogon; Camarines Norte, at silangang bahagi ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres).

Sa Visayas ang Eastern Samar; Northern Samar; Samar; Leyte; Biliran Southern Leyte at sa Mindanao ang Dinagat Islands at Surigao del Norte kasama ang Siargao – Bucas Grande Group.

“The highest TCWS that may be hoisted during the occurrence of Kristine is signal No. 4,” ayon sa Pagasa.

Batay sa pinakahuling ulat, namataan si Kristine sa layong 870 kilometro silangan ng Eastern Visayas na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph at kumikilos pakanluran timog-kanluran sa bilis na 30 kph.

Ayon pa sa weather bureau, posibleng umabot sa typhoon level si Kristine sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga at inaasahang magla-landfall sa Northern Luzon.

“Kristine is forecast to intensify into a tropical storm in the next 12 hours.

It may reach severe tropical storm category by Wednesday and typhoon category by Thursday evening or Friday morning, prior to landfall over the northeastern portion of Cagayan,” dagdag pa ng Pagasa.