Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Pagbaba ng unemployment rate isang magandang balita — Speaker Romualdez

11 Views

ISANG magandang balita at positibong pag-unlad para sa bansa ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaugnay ng Labor Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay bumaba sa 3.2 porsiyento noong Nobyembre ng nakaraang taon, mula sa 3.9 porsiyento noong Oktobre 2024 o katumbas ng 1.66 milyong katao.

Bumaba rin ang antas ng underemployment sa 10.8 porsiyento noong Nobyembre, mula sa 12.6 porsiyento noong Oktubre.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagbaba ng mga bilang ng mga walang trabaho at underemployment ay nangangahulugan na patuloy na lumalago ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at patuloy ang pagdami ng mga oportunidad para makapagtrabaho at magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mamamayan.

“The right economic policies are driving our growth and generating jobs for jobless Filipinos. We are happy for those who have found employment and who are working longer hours than before,” ani Speaker Romualdez.

“For those who remain unemployed, the government has various programs to help them. We hope that as the economy grows and create more jobs, they would eventually find employment,” sinabi pa ng pinuno ng Kamara de Representantes na binubuo ng 307-kinatawan.

Kabilang sa mga programang ito, ayon kay Speaker Romualdez, ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), pati na rin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na ipinatutupad naman ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Iminungkahi ng kongresista sa mga Pilipinong walang trabaho na kumuha ng mga pagsasanay at retooling course na iniaalok na programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Tiniyak din ni Speaker Romualdez sa publiko na ang Kongreso, lalo na ang Kamara de Representantes, ay patuloy na magiging katuwang ng administrasyong Marcos sa pagsisikap nitong mapanatili ang paglago ng ekonomiya at paglikha ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.

“It’s a big challenge, which we hope to successfully address for the benefit of all of our people,” ayon pa sa mambabatas.