Calendar
PagbaBAGo ni VP Sara nakarating na sa Cotabato
Umabot na ang pagbaBAGo campaign ni Vice President Sara Duterte sa Cotabato.
Nasa 500 estudyante sa Grade 1 hanggang 7 mula sa Matalam Elementary School, Amas Elementary School, at Tatadon Elementary School ang nakatanggap ng bag.
Ang proyekto sinimulan ni Duterte noong siya ay mayor pa ng Davao City upang matulungan ang mga mahihirap na estudyante na walang pambili ng gamit.
Sinabi ni Duterte sa mga estudyante na ang kanilang determinasyon at pagsusumikap ang magpapabago sa kanilang buhay at mag-aahon sa kanila sa kahirapan.
“Ang kanang bag, gibuhat na namo para kada-adlaw ‘pag makit-an ninyo ang bag, bahala’g da-ot na ‘na, makahinumdom mo na naa diay ko’y kailangan buhaton magtuon ko og tarong, kinahanglan ko mahuman og eskwela, ug kinahanglan ko magtrabaho para sa kaugalingon nakong kwarta,” sabi ni Duterte.
Ayon pa kay Duterte ang kaalaman at pagtatapos sa pag-aaral ang magdadala sa kanila sa tagumpay at hindi ang maagang pag-aasawa.
Binigyan-diin din ni Duterte sa mga nakikinig na magulang ang kahalagahan na planuhin ang pamilya upang maitaguyod ang pangangailangan ng mga anak.