Dy

Pagbabalik ng face-to-face session sa Kamara, sang-ayon sa isang kongresista

Mar Rodriguez Mar 19, 2023
158 Views

SINASANG-AYUNAN ng isang Northern Luzon congressman ang mungkahing magbalik sa face-to-face ang session sa Kamara de Representantes matapos ihayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maituturing na 100% on site na ang work place para sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A. Dy V na dapat maibalik narin sa normal ang session sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan. Sapagkat halos karamihan ng mga tanggapan ng gobyerno ay bumabalik na sa dating sitwasyon.

Inihalimbawa din ni Dy na maging ang mga pampublikong paaralan ay bumalik na rin sa normal ang kanilang mga klase sa pamamagitan ng “face-to-face classes. Kung kaya’t wala rin dahilan upang hindi maibalik sa dati ang session ng Kongreso matapos ang halos tatlong taong COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ni Dy na wala nang dapat ikabahala ang mga kapawa nito kongresista dahil unti-unti ng bumababa ang mga kaso ng COVID-19 patients bunsod narin ng malawakang “vaccination drive” na ikinasa ng gobyerno para sa lahat ng mamamayang Pilipino para puksain ang pandemiya.

Ayon sa kongresista, bagama’t ipinatupad noong nakaraang 18th Congress ang Rule No. XII ng Kamara. Kung saa, pinahihintulutan ang tinatawag na “virtual o electronic” session para dumalo ang isang mamababatas. Subalit pa rin nito natitiyak ang totoong attendance ng isang kongresista.