Hontiveros

Pagdami ng Tsino sa PH kaduda-duda — Hontiveros

109 Views

ALARMADO sa diumano’y pagpepeke ng ilan sa mga banyaga para sabihin na sila ay natural-born Filipino partikular ang mga Intsik na napapabalitang laganap sa iba’t ibang parte ng bansa kung kaya’t naghain si Senadora Risa Hontiveros na isang resolusyon upang imbestigahan ang para sa kanya ay hindi normal na bagay at itinuturing niyang posibleng banta sa seguridad ng ating bansa.

Ang resolusyon ni Hontiveros ay kaugnay rin ng sinasabing pagdami mga estudyanteng Tsino sa iba’t ibang universidad sa bansa lalo na sa mga lugar na sinasabing EDCA sites.

Sa kanyang inihain na Resolution no.1001, sinabi ng senadora na kailangan umano busisiin ito ng Senate Committee on National Defense and Security upang mapag- aralan kung gaano ka kritikal sa ating national defense ang mga pangyayaring ito kung saan ay kaliwa’t kanan ang paglobo ng mga naturang Intsik mula sa China.

“Sa panahong kaliwa’t kanan ang pag-water cannon ng Tsina sa mga Pilipinong barko, siguro naman may karapatan tayong maalarma. Siguro naman hindi masama magduda. I have led countless Senate inquiries that revealed how foreigners not only abuse our immigration processes, but also use fake documents to obtain birth certificates and Philippine passports. It is only natural that we look into if this trend is, in any way, related to Chinese harassment in the West Philippine Sea,” ani Hontiveros.

Para kay Hontiveros, walang masama kung totoong nais mag aral ng mga ito sa ating bansa upang maitaas ang antas ng kanilang kaalaman dahil ito aniya ay magandang pamamaraan din upang makasabay tayo sa ibat ibang uri ng pagbabago at parte ng isang global na interaksyon.

“The Philippines is always open to young people from all over the world who want to study in our schools. It builds dialogue and global exchanges. Pero ibang usapan pag peke ang papeles at cover lang pala ang pag-enrol sa ating mga paaralan,” the senator added.

Ayon pa kay Hontiveros, hindi aniya maganda at nakababahala ang kamakailan lang na napabalitang apat na Tsino na nahuli sa Thailand na nagpanggap na mga Pilipino at napag-alaman ng ating Embahada mismo sa Bangkok na ito ay hindi mga tunay na Pinoy ngunit gamit gamit ng mga ito ang ating Philippine Passports, birth certificates na inisyu pa ng Philippine Statistics Authority, at maging ang Philippine Postal Identity Cards.

Matatandaan na mismo si Cagayan Rep. Joseph “Jojo” Lara ay isa sa mga nagbulgar ng ganitong modus kung saan ay sinabi nitong nakatanggap siya ng impormasyon na gumagamit ang mga nasabing Tsino ng diumano’y fixer na nagcha-charge naman ng kada isang ulo na estudyante ng halagang P1 million para makapasok ng Cagayan.

Sa nasabing halaga, 80% umano ng lagay ay napupunta sa fixer at ang natitirang 20% ay para sa mga kasabwat.

“The Philippines is not for sale. Nobody should treat our national identity like goods to buy or sell. Sa dami ng mga report tungkol sa mga black market na ito, magtataka ka talaga kung may kinalaman ba ito sa ating pambansang seguridad. Kailangan maliwanagan tayo kung may papel dito ang mismong gubyerno ng Beijing,” Hontiveros said.

Ibinulgar din sa naturang resolusyon ang mga insidente tulad ng pagkakadiskubre ng mga ahente ng Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga umano]y nakatira sa Multinational Village sa Parañaque City na napakaraming Tsino na namataan nag ja jogging suot ang kanilang mga uniporme na pang militar, na kulay itim na sporting uniform ang itsura at naka military-style haircut na madalas ay nagkakaroon pa ng formation na animo’y mga militar sa loob ng mismong subdivision sa Paranaque.

“Itong subdivision sa Parañaque ay katabi ng NAIA, at limang kilometro lang ang layo mula sa mga kampo natin. Ang Cagayan naman ay malapit sa Taiwan, na itinuturing na potential flashpoint sa Indo-Pacific region. The Senate must investigate these disturbing patterns. Common sense tells us to cover our bases. We can never be too careful,” ani Hontiveros.