Suarez

Pagdaraos ng plebesito para sa economic Cha-cha bago mid-term polls itinulak sa Kamara

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
115 Views

ITINUTULAK ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang mas maagang pagdaraos ng plebesito kaugnay sa panukalang amyenda ang economic provision ng Konstitusyon.

Ang pahayag ng mga mambabatas ay bilang tugon sa tanong kaugnay ng pahayag ng election lawyer na si Romulo Macalintal na unconstitutional ang magkasabay na pagdaraos ng plebesito at 2025 mid-term elections.

Pinaboran nina Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez at Representatives Geraldine Roman ng Bataan, Jeffrey Khonghun ng Zambales, at Franciso Paolo Ortega La Union, ang pahayag ni Macalintal.

“I have been consistent with my position na hindi po talaga dapat isabay po ito sa mid-term elections natin. Ang unang dahilan, sa pananaw ko po is we cannot allow the Constitution to undergo political mudslinging and be politicized by what happens during midterm elections,” sabi ni Suarez.

“Number two, we cannot allow that the Constitution be tackled in the same level as midterm elections because mas mahalagang pag-usapan natin ang Konstitusyon, kaya dapat naka bukod po ito pagdating sa pagbobotohan,” sabi pa niya.

Sinabi ni Roman na ang pahayag ni Macalintal ay katulad ng posisyon ng Kamara na dapat magkahiwalay ang pagsasagawa ng plebisito para sa Charter reform at mid-term elections.

“It is also a reminder to our colleagues in the Senate that we would have to work with a sense of urgency. If the ultimate goal is basically to approve RBH 6, it should be approved at the time when we do not have to hold a plebiscite alongside the national elections,” ani Roman na tinutukoy ay ang resolusyon ng Senado na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon.

“Maliwanag po ‘yan, hindi po mabuti na mangyari ‘yan ‘pag sasabay at sa ganitong kadahilanan ay dapat medyo maging efficient po tayo sa ating trabaho. Just a friendly reminder,” dagdag pa ni Roman.

Hinikayat din ni Roman ang mga senador na iwaksi na ang kanilang “irrational fears” na isasama ang Kamara ang political reform sa kanilang panukalang pagbabago ng Saligang Batas.

“No politician in his right mind would actually try or even attempt to introduce political amendments when for the longest time, we have been assuring our friends in the Senate na we are only interested in amending the economic provisions,” wika pa niya.

“And of course malinaw naman yung pakiusap din ng ating Pangulo, malinaw din po ang pakiusap ng ating Speaker, purely economic provisions lang po. So trust us, trust us…it’s not good to operate on the basis of irrational fears…we really need is to be rational, to be professional about it, and be efficient,” sabi pa ng mambabatas.

Para naman kay Khonghun, mas makabubuti na ihiwalay ang plebisito sa halalan sa susunod na taon upang mas maintindihan ng mga Pilipino ang mga isinusulong na amyenda.

“Mas maganda na ihiwalay na lamang ito at gawing mas maagang plebesito dahil mahirap kung nadadamay sa pulitika ang ating Konstitusyon. Para ‘din maintindihan, maunawaan, at maisapuso ng ating mga kababayan,” ani Khonghun.

Saad naman ni Ortega, “the constitution has to be on a pedestal platform on its own at hindi nga po natin dapat talaga na siya na sinasabay sa midterm elections.”

“Kaya nga po tayo may RBH 7 (House version of proposed amendments) ngayon, we are showing them that this is purely economic itong exercise natin to…and inaalis po natin ‘yung lagi nilang sinasaksak na sinasabi na political, political ‘yang Cha-Cha na ‘yan…’pag dumating na po sa plebisito, ipapakita rin po natin na it’s not about, it’s not political, it’s really economic,” ani Ortega

Batay sa pahayag ni Macalintal, sinabi ni Suarez na mayroon nang legal na basehan para isagawa ang plebesito ng mas maaga sa May 2025 elections.

“You know, the Constitution is the supreme law of the land and we have to protect it, we have to uphold it, we have to safeguard it, and in doing so, we have to make sure that when we do conduct amendments and go through a plebiscite for it, nakatutok lamang ang atensyon at pag-uunawa ng tao sa pag uusapan natin,” dagdag niya.

“Kasi pag inilabas po natin ang ating mga amendments, we cannot allow that the Filipino people do not understand what the amendments are and whether they are beneficial and how are they gonna help progress the country moving forward. So, we welcome the position of Atty. Macalintal and I hope our friends in the Senate will be enlightened by the legal opinion of the good lawyer,” giit ni Suarez.

Punto pa ng kinatawan mula Quezon na hindi niya maintindihan kung bakit nagpupumilit ang Senado na isabay ang plebisito sa halalan sa 2025.

“Akala ko ba sila ‘yung nangangamba na may political aspect yung amendments ng Constitution. Sila mismo pino-politicize na nila by the mere fact that they want it coinciding with the midterm elections. So, we welcome the (Macalintal) opinion. Now I hope we can move forward with this,” wika pa nito

Mahalaga rin aniya na malaman ng Kamara ang timeline ng Senado sa pagpapatibay ng panukalang amyenda.

“Ano ba ang timeline ng Senate? Kasi kami, 11 o’clock na yata kami nag-suspend nung nakaraang Linggo at tuloy-tuloy po ‘yung discussions namin sa RBH 07, and continuous din po yung commitment ng ating House Speaker that we need an exhaustive, inclusive deliberations on these amendments,” dagdag niya.