Madrona

Pagdeklara sa Tugonan Waterfalls bilang nat’l ecotourism sire aprub sa 2nd pagbasa ng Kamara

Mar Rodriguez Oct 16, 2022
170 Views

INAPRUBAHAN na sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na isinulong ng isang veteran congressman na ang pangunahing layunin ay mai-deklara bilang isang national ecotourism site ang Tugonan Waterfalls sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na inaprubahan na sa ikalwang pagbasa sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 5168 upang ideklara ang Tugonan Waterfalls bilang isang national ecotourism na matatagpuan sa Agusan del Sur.

Ipinaliwanag ni Madrona na sakaling pumasa ang kaniyang panukala o tuluyan ng maging isang ganap na batas. Ang pagpapaunlad o pag-develop sa Tugonan Waterfall para maging isang national ecotourism ay susuportahan ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Madrona, nakasaad din sa HB No. 5168 na makikipag-ugnayan ang Municipal government ng Prosperidad sa Agusan del Sir sa DOT at Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para maihanda ang “tourism development plan” para sa Tugonan Waterfalls.

Nabatid sa mambabatas na kabilang sa mga isasagawang pag-develop sa nasabing waterfalls ay ang pagtatayo ng ilang imprastraktura, pagtatayo ng mga pasilidad at iba pang installations ant maintenance para maihanda ang lugar para sa mga turistang bibisita at dadayo dito.

Naniniwala naman si Madrona na ang pagpapa-unlad o pag-develop sa Tugonan Waterfalls ang isa sa mga magpapabangon sa nalugmok na kalagayan ng turismo ng bansa bunsod ng pananalanta ng COVID-19 pandemic dalawang taon ang nakalipas.

Binigyang diin ng kongresista na kinakailangan aniya sa mga panahong ito ay muling maibangon ang turismo ng Pilipinas. Sapagkat ito ang isa sa mga pangunahing naapektuhan ng pandemiya. Kung kaya’t kinakailangan mai-develop ang mga magagandang lugar gaya ng Tugonan Waterfalls.