Calendar
Pagdiriwang ng 39th anibersaryo ng KOJC payapa, maayos — PNP
NAGING maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng ika-39 anibersaryo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City nitong Linggo, Setyembre 1, ayon sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng paghahanap sa lider nila na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa loob ng malawak na KOJC compound.
Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean S. Fajardo, matagumpay na naganap ang 39th Feast of Passover ng KOJC nang walang anumang major incident, sa kabila ng patuloy na protesta ng mga tagasuporta ni Quiboloy sa labas ng kanilang pangunahing pasukan.
Pinuri ni PNP chief General Rommel Francisco D. Marbil ang Police Regional Office 11 na pinamumunuan ni Brigadier Gen. Nicolas D. Torre III para sa kanilang tagumpay sa pagtiyak ng seguridad sa nasabing okasyon.
“Our objective is to harmonize our law enforcement duties with respect for religious freedoms and human rights. The peaceful conduct of the Feast of Passover amid the ongoing lawful police operation underscores our dedication to balancing security with reverence for sacred traditions,” ani Gen. Marbil.
Ayon kay Brig. Gen. Torre, isinagawa nila ang kanilang mga operasyon batay sa mga legal na pamamaraan at may mataas na pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng lahat ng naroon. Kahit nahirapan ang mga pulis dahil sa pagod at kakulangan ng pahinga, nanatili silang matatag at dedikado sa pagsilbi ng warrant, bilang patunay ng kanilang dedikasyon sa hustisya.
Binigyang-diin din ni Gen. Marbil na ang presensya ng mga pulis sa Feast of Passover ay direktang kaugnay sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Quiboloy na may mga kaso ng child abuse at trafficking.
“It is essential to clarify that the PNP’s actions are not intended to infringe upon religious rights but rather to enforce court-ordered processes. The principle of “presumption of innocence until proven guilty” remains fundamental, particularly given the serious nature of the offenses under investigation, which involve minors,” dagdag pa ni Gen. Marbil.
Patuloy namang tiniyak ng PNP na magiging patas sila sa pagpapatupad ng batas at mababantayan ang posibleng pang-aabuso ng kapangyarihan. “We respect the community’s right to express their opinions. As part of the PNP, we stand firm in enforcing the law while ensuring that individuals have the right to exhaust all legal remedies. The issuing court is being regularly informed of the ongoing process, reinforcing our commitment to transparency and adherence to the law.”
Giit din ni Col. Fajardo na nahihirapan silang pasukin ang mga bunker kung saan pinaniniwalaang nagtatago si Quiboloy, lalo na’t may mga X-ray detector na inilagay sa lugar. Gayunpaman, naniniwala ang PNP na naroroon pa rin si Quiboloy base sa mga na-detect na heartbeat ng kanilang kagamitan at impormasyon mula sa kanilang mga sources.
“Once again, we are appealing to Pastor Quiboloy and his four co-accused to yield and face the music, the charges against them,” dagdag pa niya. Sinabi rin ni Col. Fajardo na dapat maintindihan ng ilan na may mga tao ring humihingi ng hustisya at nais na harapin ni Quiboloy ang mga akusasyon laban sa kanya sa korte.