Calendar
Paghahain ng impeachment laban kay VP Sara tama lang pero hindi timely — Valeriano
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐ฅ๐ฒ๐ฝ. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐น๐ฎ๐ถ๐ป๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐’๐-๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐๐๐ฎ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ (๐ข๐ฉ๐ฃ).
Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, maituturing na tamang hakbang ang pagsasampa ng kasong impeachment laban kay VP Sara subalit sa kasalukuyan ay imposible umano itong maisakatuparan dahil sa pagiging abala ng mga kongresista.
Paliwanag ni Valeriano na kasalukuyang tinatalakay na sa Plenaryo ng Kamara de Representantes ang 2025 proposed national budget kung saan abalang-abala silang mga mambabatas sa paghimay at pagsuri sa nasabing pambansang pondo kaya ang pagtalakay sa naturang impeachment complaint ay hindi nila matututukan.
Sabi pa ng kongresista na bukod sa pagtalakay nila sa 2025 national budget, magiging abala na rin sila sa nalalapit na “filing of candidacy” sa susunod na buwan para sa lahat ng mga lalahok o sasabak sa darating na 2025 mid-term elections.
Dagdag pa ni Valeriano na bukod sa wala sa timing ang paghahain ng impeachment laban kay VP Sara, posibleng hindi rin matapos ngayong taon ang prosesong ito dahil ang paghahain nito ay isang napakahabang proseso na kinakaikailangan ng isang masusing pag-aaral at pagpa-plano.
“Impeachment against VP Sara is the right thing to do but, perhaps not timely at this point. The congressional ans senatorial are upcoming and thus. Congressmen may have to attend to other local events and spend time with our constituents, impeachment is a process and needs exhaustive study,” sabi ni Valeriano.
๐ง๐ผ ๐๐ผ๐ฑ ๐ฏ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐