Madrona

Pagiging No. 1 Dive Destination ng Pilipinas ang nagpabangon sa ating turismo — Madrona

Mar Rodriguez Sep 5, 2024
125 Views

๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฎ๐—ป๐—ด c๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฏ๐—น๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ. ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ “๐—•๐˜‚๐—ฑ๐—ผ๐˜†” ๐—™. ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด “๐—”๐˜€๐—ถ๐—ฎ’๐˜€ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป” ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ-๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ธ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ข๐—ฉ๐—œ๐——-๐Ÿญ๐Ÿต ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ฐ.

Ayon kay Madrona, nakakagalak at nakakataba ng puso ang pagkilala sa Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng turismo sa Asya partikular na sa larangan ng diving sa pamamagitan ng nakamit nitong tagumpay sa 31st World Travel Awards (WTA).

Sabi ni Madrona na sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-host ang Pilipinas ng prestisyosong travel and tourism awards gala ceremony. Aniya, ito ay isang natatanging pagkilala sa mga pagsisikap ng Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotions Board (TPB) Philippines.

Dagdag pa ng kongresista na isang napakalaking karangalan sapagkat kinilala at pinarangalan ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Dive Destination sa ikaanim na magkakasunod na taon mula pa noong 2019. Kasabay nito, nakuha rin ng bansa ang mga titulo bilang Asia’s Leading Beach Destination at nangungunang Isla sa Asya.

Ipinaliwanag pa ni Madrona na dahil sa pagkilalang ito, ito rin ang nagtulak upang dayuhin ng napakaraming turista ang mga dive destinations at magagandang beaches sa Pilipinas na nagbigay ng napakalaking ganansiya sa kaban ng pamahalaan.

Pinapurihan din ng mambabatas si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco bunsod ng espesyal na parangal na ibinigay sa kaniya na kumikilala sa mga magagandang achievements nito sa pagsusulong at pagpapaunlad ng Philippine tourism.