Madrona

Pagkakapasa ng PCG modernization sa 2nd pagbasa ikinagalak ni Madrona

Mar Rodriguez Sep 16, 2024
52 Views

Madrona1š—•š—œš—Ÿš—”š—”š—š vš—¶š—°š—²-cš—µš—®š—¶š—暝—½š—²š—暝˜€š—¼š—» š—»š—“ š—›š—¼š˜‚š˜€š—² š—–š—¼š—ŗš—ŗš—¶š˜š˜š—²š—² š—¼š—» š—§š—暝—®š—»š˜€š—½š—¼š—暝˜š—®š˜š—¶š—¼š—». š—œš—øš—¶š—»š—®š—“š—®š—“š—®š—¹š—®š—ø š—»š—¶ š—„š—¼š—ŗš—Æš—¹š—¼š—» š—Ÿš—¼š—»š—² š——š—¶š˜€š˜. š—„š—²š—½. š—˜š—¹š—²š—®š—»š—±š—暝—¼ š—š—²š˜€š˜‚š˜€ “š—•š˜‚š—±š—¼š˜†” š—™. š— š—®š—±š—暝—¼š—»š—® š—®š—»š—“ š—½š—®š—“š—øš—®š—øš—®š—½š—®š˜€š—® š—»š—“ š—žš—®š—ŗš—®š—暝—® š—±š—² š—„š—²š—½š—暝—²š˜€š—²š—»š˜š—®š—»š˜š—²š˜€ š˜€š—® š—¶š—øš—®š—¹š—®š˜„š—®š—»š—“ š—½š—®š—“š—Æš—®š˜€š—® š—»š—“ š—¶š—»š—¶š˜€š—½š—¼š—»š˜€š—¼š—暝—®š—» š—»š—¶š˜š—¼š—»š—“ š—›š—¼š˜‚š˜€š—² š—•š—¶š—¹š—¹ š—”š—¼. šŸ­šŸ¬šŸ“šŸ°šŸ­ š—¼ š—ŗš—®š˜€ š—øš—¶š—¹š—®š—¹š—® š—Æš—¶š—¹š—®š—»š—“ š—£š—µš—¶š—¹š—¶š—½š—½š—¶š—»š—² š—–š—¼š—®š˜€š˜ š—šš˜‚š—®š—暝—± (š—£š—–š—š) š— š—¼š—±š—²š—暝—»š—¶š˜‡š—®š˜š—¶š—¼š—» š—”š—°š˜.

Sa kaniyang sponsor speech sa Plenaryo ng Kamara para sa House Bill No. 10841, sinabi ni Madrona na napapanahon na aniya upang maisulong ang modernisasyon ng PCG upang epektibong maisakatuparan nito ang kanilang mandato sa pangangalaga sa mga karagatan ng Pilipinas.

Pagdidiin ni Madrona sa kaniyang talumpati na napaka-imposibleng magampanan ng maayos ng PCG ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng pagbabantay sa kapaligiran ng WPS kung kulang o kaya naman ay luma na ang kanilang mga kagamitan. Gayong ang binabantayan nilang CCG ay higit na moderno ang kanilang mga equipment.

Sabi pa ng kongresista na chairman din ng House Committee on Tourism na makabago at modernong kagamitan ang kailangan ng PCG upang maka-responde sila ng maayos sa panahon ng pangangailangan gaya ng pagtugon sa mga insidente sa karagatan.

Paliwanag pa ni Madrona na P5 bilyon ang mapupunta sa pondo ng PCG taon-taon para makatugon sila sa mga komplikadong sitwasyon habang nagpa-patrolya sa paligid ng WPS at buong karagatan ng Pilipinas.

“Mr. Speaker, in behalf of our Chairperson of the Committee on Transportation the Honorable Romeo Acop. It is my honor to sponsor House No. 10841 under the Committee Report Number 1196. This bill seeks for the revision of Republic Act No. 9993 or the PCG Law of 2009 to strengthen the PCG by introducing organizational reforms in order to make it more responsive in the execution of its mandate on maritime safety, maritime security and marine environmental protectional protection,” sabi ng mambabatas sa kaniyang sponsorship speech hinggil sa HB No. 10841.