Romero1

Pagkakapasa sa 2nd reading ng 4Ps Act ikinagalak ni Romero

Mar Rodriguez Aug 16, 2023
178 Views

IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang pagkakapasa sa ikalawang pagbasa ng House Bill No. 8427 na mag-aamiyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act na makakatulong ng malaki para sa mga mahihirap o indigent na pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Romero na layunin ng HB No. 8427 na amiyendahan ang Republic Act No. 11310 o 4Ps Act na magkakaloob ng tinatawag na “capacity building” kabilang na dito ang pagkakaloob ng edukasyon, entrepreneurship, training at skills upgrading para sa mga adult beneficiaries.

Ipinaliwanag ni Romero na ang panukalang batas ay maituturing na “Expanded 4Ps Act”. Sapagkat ito ay isang epektibong investment para sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling kabuhayan pagkatapos ng kanilang graduation sa 4Ps program at makahulagpos sila sa tanikala ng karukhaan.

Sa kaniyang sponsorship speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, inilahad ni Romero na alinsunod sa kanilang Committee Report No. 670. Layunin nilang i-promote ang capacity building para sa mga adult 4Ps beneficiaries sa pamamagitan ng pagkakaloob ng cash grant na nagkakahalaga ng P500.00.

“If this Bill (HB No. 8472) is passed into law. We expect optimum delivery of service of these agencies to be targeted by 4Ps. If we are able to shepherd the passage of this Bill we increase the indigents capability to be educated and trained which in turn will increase their chances of being employed or putting up their own business,” sabi ni Romero sa kaniyang sponsorship speech.

Binigyang diin pa ng kongresista na malaki ang maitutulong ng panukalang batas kaugnay sa usapin ng poverty alleviation sa bansa.

“Ito pong panukalang batas na ito ay malaki ang maitutulong sa issue ng poverty alleviation sa ating bansa. For this reason, I am imploring the aid of my distinguished colleagues for the swift passage of this measure,” ayon pa kay Romero.