Valeriano

Pagkalat ng mga deepfake videos mas lalo pang dadami habang papalapit ang 2025 mid-term elections

Mar Rodriguez May 2, 2024
91 Views

Valeriano1NANINIWALA si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na posibleng marami pang “deepfake videos” ang kumalat habang papalapit na ang 2025 mid-term elections kasunod din ng paglaganap ng mga “fake news”.

Iminumungkahi ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na kailangang bumalakas ang gobyerno ng mga hakbang para masagkaan ang anomang balak ng isang partikular na grupo para maghasik ng kaguluhan at pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Ipinaliwanag ni Valeriano na hindi dapat hayaan ng pamahalaan na mamayagpag ang ilang grupo na maghasik ng mga maling impormasyon at “deepfake videos” na ang pangunahing layunin ay guluhin ang kasalukuyang sistema na sinimulan nila kay President Bongbong R. Marcos, Jr.

“Hindi malayo na mangyari ang paglaganap ng mga fake news at deepfakes video coming election indeed. Our government must be one step ahead, dapat maghanda ang ating pamahalaan at dapat masukol ang mga taong gumagawa ng mga ganito bilang babala para sa iba,” sabi ni Valeriano.

Sinabi pa ni Valeriano na ang pagpapakalat ng “deepfake videos” laban kay Pangulong Marcos, Jr. ay para isabotahe ang Punong Ehekutibo kabilang na ang mga policy ng kaniyang administrasyon.

“It shows how desperate the opposition is against our President. President Bongbong Marcos, because he is doing a speculator job in managing our foreign policy to the point that they try to sabotage him and that’s why I feel this should not be taken lightly, kailangang kumilos ng gobyerno,” dagdag pa ni Valeriano.

Samantala, nagkaroon ng pagpupulong pa sa pagitan ni Valeriano bilang chairman ng Committee on Metro Manila Development at ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) para talakayin ang ilang problem sa trapiko sa Kalakhang Maynila at iba pang isyung kaakibat nito.