Calendar
Pagkansela sa mga pekeng birth certificate sinang-ayunan
SINANG-AYUNAN ni Senador Pia S. Cayetano, chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, ang “decisive step” ng Office of the Solicitor General (OSG) na kanselahin ang mga birth certificate ng mga dayuhan na nakuha sa pamamagitan ng pandaraya.
“The OSG’s move directly addresses the alarming findings of our Blue Ribbon Committee hearings last March and August 2024, which revealed that Philippine citizenship is being sold, with some foreign nationals paying up to P300,000 for fraudulent government IDs,” wika ni Cayetano.
Sa mga nasabing pagdinig, naging kapansin-pansin ang kaso sa Sta. Cruz, Davao Del Sur kung saan natuklasan na 54 sa 1,501 kaduda-dudang birth certificate na inilabas mula 2016 hanggang 2023 ay pag-aari ng mga indibidwal na may dayuhang magulang. Ang mga dokumentong ito ay nagpakita ng magkakaparehong sulat-kamay at hindi kapani-paniwalang iisang komadrona lamang ang dumalo sa mga panganganak sa iba’t ibang barangay sa loob ng iisang araw.
Ayon sa Senador, inilantad ng mga pagdinig ng Komite ang sistematikong pandaraya sa lokal na sistema ng civil registration, lalo na sa pagpapalabas ng mga birth certificate sa pamamagitan ng late registration.
“Our investigation uncovered a disturbing pattern where foreign nationals, including those involved in illegal POGO operations, have exploited vulnerabilities in our civil registration system. This is not just about documentation – but also of our country’s national security,” paliwanag ni Cayetano.
“The cancellation of these fraudulent documents sends a clear message: Philippine citizenship is NOT for sale,” diin ni Cayetano.
Nanawagan din ang Senador para sa patuloy na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno. “While we welcome this step, we need proactive and sustained cooperation between the Philippine Statistics Authority, Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, and local government units, specifically their local civil registries, to prevent similar schemes in the future.”