Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Edd Reyes

Paglabas ng incident, accomplishment report ng mga parak naaantala

Edd Reyes Aug 27, 2025
374 Views

MUKHANG hindi maganda ang pauntunan ng karamihan sa mga distrito ng kapulisan sa Metro Manila sa paglalabas ng kanilang mga accomplishment at incident report.

Nagiging kostumbre na kasi sa mga police station at sub-station, na ipitin o antalahin ang paglalabas ng mga karamihan sa mga ulat na kadalaan ay dalawa hanggang tatlong araw na ang nakararaan bago nila ito ilabas.

Ang nangyayari, bihira ang bumabanggit sa ilang inilalabas na balita sa radio at telebisyon kung kailan nangyari ang insidente kaya tuloy inaakala ng mga manonood na bago lang naganap ito kahit dalawa o tatlong araw na ang nakararaan.

Nang tanungin natin ang isang imbestigador kung bakit naa-antala at hindi kaagad makapaglabas ng ulat ang pulisya, kinakailangan pa raw kasing pa-aprobahan ang report sa kanilang immediate superior at kapag naaprobahan, dadaan pa rin ito sa pinaka-hepe para muling suriin.

Kapag okey na sa chief of police, tsaka pa lang ito dadalhin sa kanilang PIO na silang gagawa naman ng press release kaya bago pa makarating sa kaalaman ng publiko, bulok na ang istorya.

Ganito ang umiiral na panuntunan kaya kahit kausapin pa ang imbestigador na may hawak ng kaso, hindi sila makapagbigay ng detalye hangga’t walang go signal ang kanilang hepe.

Ang nangyayari tuloy, napaghihinalaan pa ang mga pulis na sinasadyang antalahin ang paglalabas ng ulat, kahit pa nga nadakip na nila ang suspek na gumawa ng krimen, dahil baka raw magkaroon pa ng aregluhan.

May mga insidente na kasi noon na talagang ang mga pulis pa ang mismong gumagawa ng paraan para magkaroon ng aregluhan dahil bukod sa makakabawas ito sa kanilang trabaho, kabilang ang hindi na nila pagharap sa piskalya o hukuman, maa-ambunan pa sila ng biyaya sa mangyayaring aregluhan.

Pero in fairness sa kapulisan, hindi na nangyayari ito dahil hindi na ito pinahihintulutan ng mga chief of police, lalu na’t batid nilang sisingaw at sisingaw ito gamit ang social media.

Mga lolo at lola, nakinabang sa fun run sa Navotas

PARAMI ng parami ang mga lumalahok sa mga fun run dahil hindi lang ito nakakapaglakas ng katawan at magandang kalusugan kundi nakakatulong pa sa mga nangangailangan.

Nito nga lang araw ng Linggo, idinaos sa Navotas City ang ikalawang taon ng NavoRun na nilahukan ng 637 na indibiduwal na tumakbo ng mula walo hanggang 16 na kilometro sa Navotas Centennial Park.

Hinikayat ni Mayor John Rey Tiango ang mga residente ng lungsod na lumahok sa ganitong uri ng aktibidad para maisulong ang aktibo at malusog na pamumuhay na makakatulong pa sa mga may sakit na lolo at lola, pati na sa kanilang Drum and Bugle Corps na naghahanap ng mga may talento sa musika, dahil sa kanila mapupunta ang kikitain dito.

Sabi pa ni Mayor Tiangco, makakatulong ang taunan nilang pagdaraos ng NavoRun sa industriya ng turismo sa lungsod at serbisyo sa komunidad.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa eddreyes2006@yahoo.com