Speaker Romualdez

Paglundag ng16% sa performance rating ni Speaker Romualdez patunay na gawain ng Kongreso gusto ng publiko

192 Views

ANG malaki pagtaas sa performance rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay isa umanong repleksyon na gusto ng publiko ang ginagawa ng mga miyembro ng Kamara de Representantes.

“Ako po ay nagpapasalamat una sa Poong Maykapal dahil sa latest Social Weather Stations (SES) survey, na nagsasabing tumaas po ang kumpiyansa ng publiko sa ating ginagawa bilang Speaker ng kongreso,” ani Speaker Romualdez.

“Nariyan din po ang taos pusong pasasalamat ko sa aking mga kasamahan sa kongreso kung hindi sa kanila, marahil marami pa tayong mga pending bills na nakatiwangwang lang dyan”, ayon sa representante mula sa Tacloban City.

“At syempre ang taumbayan na nagbigay sa ating ng mataas na marka sa ating performance…maraming, maraming salamat po”, aniya.

“Ang 16-point increase sa ating net satisfaction rating, na ngayon ay nasa +29 na, ay testamento din sa dedikasyon ng aking mga kasamahan sa kongreso sa paggawa ng kanilang tungkulin bikang mambabatas”, ani Romualdez.

“Ang lahat ng ito ay repleksyon hindi lang ng ating pumuno kundi ang seryoso paggawa at pagbalangkas ng mga batas para sa ikabubuti ng buhay ng bawat Pilipino”, dagdag pa ng pinuno ng House of Representatives .

“Mula sa economic reforms hanggang sa social justice initiatives, ang trabaho ng kamara ay naging susi sa mga progreso na nararamdaman ng mga kababayan natin”, saad ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Aniya ang agarang pagpasa ng kongreso ng mga priority bills ng Pangulong Marcos para sa pag-ahon ng bansa sa nakalipas na Covid ay isa rin daw marahil sa nakikita o nararamdaman ng taumbayan.

Nangako si Speaker Romualdez na patuloy na magtatrabaho upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“Dahil po sa inyong tiwala sa akin bilang speaker of the house, hihigitan ko pa po at ng aking mga kasamahan ang aming ginagawa ngayon para lalo pang maramdaman ng tao ang ginagawa ng kanilang pamahalaan” pahabol pa ni Speaker Romualdez.