Valeriano

Pagpapa-igting sa training, education ng mga pulis suportado

Mar Rodriguez Sep 5, 2023
432 Views

SINUSUPORTAHAN ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ang pagpapa-igting sa training at education ng mga Kapulisan sa gitna ng samu’t-saring eskandalong kinasasangkutan ng ilang tiwaling pulis.

Binigyang diin ni Valeriano na napa-panahon na upang mas pa-igtingin at pag-ibayuhin ang training at education ng mga pulis sa harap ng sunod-sunod na kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang Kapulisan kabilang na dito ang kaso ni Jerhode Jemboy Baltazar.

Dahil dito, sinabi ni Valeriano na napaka-importanteng masalang mabuti ang hanay ng mga pulis upang hindi na makalusot ang tinatawag na “bad eggs” sa hanay ng Philippine National Police na sumisira umano sa imahe ng PNP.

Kaya naman para katy Valeriano, ang pagkakaroon ng sapat na training at edukasyon ang magsisibing prevention para hindi na makalusot ang mga tiwaling pulis na nasasangkot sa “misconduct” at iba pang masasamang Gawain kabilang na dito ang pagkakasangkot nila sa illegal na droga.

Nauna rito, sinusportahan din ng kongresista ang panukalang pagpapatawag ng imbestigasyon sa kamara de Representantes hinggil sa kaso ni Jemboy Baltazar na walang habas na pinaslang ng 19 miyembro ng Navotas Police noong nakalipas na August 2, 2023 na pinaniniwalang biktima ng “mistaken identity”.

Sinabi ni Valeriano na bagama’t ilang linggo na ang nakakalipas mula ng maganap ang karumal-dumal na pagpatay kay Jemboy Baltazar. Subalit hindi aniya ito nangangahulugan na kakalimutan na lamang ang kaso ng binatilyo nang hindi man lamang napapanagot ang 19 na salarin sa katauhan ng mga pulis.

Ikinagagalak din ng mambabatas ang pagkaka-suspinde sa 19 na tauhan ng Navotas Police para sumailalim sa imbestigasyon. Gayunman, iginiit nito na ang lahat ng sangkot na pulis ay lumabag sa “protocol” hinggil sa pagsasagawa ng police operation kabilang na ang tamang paggamit ng kanilang service firearms.