Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BBM

Pagpapalakas ng ekonomiya tutukan ni PBBM

Chona Yu Jan 7, 2025
11 Views

HINDI magpapakakumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa ngayong 2025.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa pakikipagpulong sa economic managers kung saan napagdesisyunan din nila na papasok ang Pilipinas ngayong 2025 na mas matatag kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay Pangulong Marcos na hindi dapat magpakakampante dahil patuloy pa rin ang mga panganib na maaaring magdulot ng pagtaas ng inflation, at pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dahil na rin sa ibat ibang dahilan kaya mas mainam na maging laging handa.

“It’s always good to be prepared,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa kabila naman nito sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. sa pagpupulong na nakikita na ng bansa ang mga bunga ng ating pagsusumikap sa pagpapababa ng inflation na dalawa hanggang apat na percent.

Sinabi ni Remolona na dahil sa pagbaba ng inflation, nakapagsimula na ang BSP na bawasan ang kanilang policy rate, na binawasan ng tatlong beses noong nakaraang taon ng kabuuang 75 basis points.

Kaya pangako naman BSP na patuloy nilang tututukan ang pagpapanatili ng price stability na magsusustento ng balanseng at sustainable na paglago ng ekonomiya at trabaho.