Martin2

Pagpapaliban ng BSKE ipinasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa

Mar Rodriguez Sep 15, 2022
346 Views

MALAKI ang posibilidad na tuluyan ng hindi matutuloy ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataang elections matapos ipasa kamakailan ng liderato ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang pinagsama-samang panukalang batas na naglalayong maipagpaliban ang BSKE sa Disyembre 5, 2022.

Sinabi nina House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez at House Majority Leader – Zamboanga Lone Dist. Cong. Jose “Mannix” Dalipe na determinado ang liderato ng Kongreso na pormal ng aprubahan sa darating na Oktubre 1 ang pagpapaliban sa BSKE.

Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na sisikapin nilang maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang pinagsama-samang panukalang hatas na humihiling sa “postponement” ng BSKE. Kasunod ng pagpirma dito ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang batas bago ang naka-skedyul na halalan sa Disyembre.

Ayon kay Romualdez, maging ang Senado ay nagpahayag na rin ng kanilang “total committment” na ipapasa din nila ang kahalintulad na panukalang batas na kasalang sa Mataas na Kapulungan na nagpapahintulot sa maipagpaliban ng BSKE.

Idinagdag pan g House Speaker na “unanimous” o nagkakaisa ang lahat ng kongresista sa pagpasa ng House Bill No. 4673 bilang “consortium” ng 43 panukalang batas na inakda ng tinatayang 83 mambabatas na naglalayong ipagpaliban ang nasabing halalan.

Pinapaboran naman ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” Dy V ang napipintong pagpapaliban sa BSKE dahil masyado na aniyang “bugbog” sa trabaho ang mga Barangay officials maging ang mga kagawad ng SK kaugnay sa paglaban nila sa COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ni Dy na bilang mga “frontliners” naging aktibo aniya ang mga Barangay at SK officials sa pagpapalaganap ng inpormasyon laban sa corona virus sa kani-kanilang komunidad kasunod ng pagpapatupad ng mga “health protocols” sa kanilang lugar”.

“Our Barangay officials have been active in information campaign drives against the virus in implementing health protocols in ensuring all forms of government assistance are orderly distributed and taking an active role to make sure the country’s vaccination program is efficiently implemented,” paliwanag pa ni Cong. Dy.