Pagpapaliban sa barangay at sk elections iminumungkahi ng isang bagitong kongresista

Mar Rodriguez Jul 22, 2022
288 Views

NAIS nang isang neophyte congressman na maipagpaliban o i-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections at itakda na lamang ang halalan sa Mayo 2023 matapos nitong isulong sa Kamara de Representantes ang panukalang batas para sa nasabing layunin.

Sa ilalim ng House Bill No. 2071 na isinulong ni Tarlac 1 st Dist. Rep. Jaime Cojuangco, iminumungkahi ng mambabatas na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections na nakatakda sa darating na Disyembre 5, 2022. Sa halip ay gawin na lamang ito sa unang Lunes ng Mayo, 2023.

“President Ferdinand Marcos, Jr. would be the presiding over a new administration, with almost all of the funds from the FY 2022 National Budget already disbursed and spent. It would be very difficult for him to immediately commence with his objectives of jumpstarting the economy besiege by the

COVID-19 pandemic,” sabi ng kongresista.

Tinukoy din sa panukalang batas ni Cojuangco na tinatayang P8 bilyon piso ang ilalaan ng pamahalaan para sa nakatakdang Barangay at SK Elections sa darating na Disyembre. Kung saan, maaari naman magamit ang nasabiong pondo para sa “economic stimulus program”.

Aminado din si Cojuangco na matagal na dapat naisagawa ang Barangay at SK Elections subalit hinihingi umano ng pagkakataon na kung maaari ay mailaan na lamang ang pondo sa ibang pangangailangan tulad ng “extension ng loan para sa micro at small businesses”.

Sinabi pa ng Tarlac solon na kabilang na dito ang pagkakaloob ng “financial support” o ayuda para sa mga mahihirap na pamilya at ibang pang programa
para makatulong sa mga mahihirap na mamamayan.

“It may be true that our Barangay officials already have been over-extended stay in office. The Barangay and SK Elections in May 2020 was already postponed to December 2022. Now, we are moving to have it again postponed and re-scheduled,” dagdag pa ng mambabatas.