Sen. Jose Jinggoy Estrada Sen. Jose Jinggoy Estrada

Pagpapalit ng liderato sa Senado ‘di totoo

156 Views

WALANG numero para mapalitan ang kasalukuyang liderato sa Senado.

Ito ang naging tampulan ng usap usapan matapos aminin ni Senador Jose Jinggoy Estrada na ugong ugong na ito mula pa nuong nakaraan taun kung saan ay pinalulutang na siya ang posibleng kapalit ni Senate President Juan Miguel Zubiri bilang bagong pangulo ng Senado na kanya naman itinanggi at tinawag na isang matinding tsismis lamang aniya ito.

Nagtataka rin umano si Estrada kung bakit bali balitang aalisan siya ng chairmanship sa Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation.

“There is no truth to it. I have not received any copy of the resolution. But that rumor has been circulating since last year and my name is being floated as the replacement for SP Zubiri. I have high respect for Zubiri. But I heard tatanggalan daw ako ng committee chairmanship. I don’t know why. That is their decision. But I will ask them also why because I am not an instigator of this coup,” paliwanag ni Estrada.

Kinumpirma din ni presidential sister, Senator Imee Marcos na nasa likod pa rin ni Zubiri ang mayorya ng Senado bagama’t totoo aniyang may mga nagtatangkang palitan ang kasalukuyang liderato nito ngunit walang sapat na numero para alisin ang trono kay Zubiri.

Sinabi pa ni Marcos na hindi sa loob ng Senado nagmumula ang ganitong uri galaw upang tanggalin si Zubiri kundi sa labas umano.

“There’s a lot of pressure to oust Senate President Zubiri and there is a lot of attempt too. But there is no number to replace him,” sinabi pa ni Marcos.

Para naman kay Senador Ramon Bong Revilla hindi totoong nais ni Senador Estrada na palitan si Zubiri bilang pangulo ng Mataas na Kapulungan.

“Sa totoo lang, he is not interested. Nakakalungkot kasi kami ay nag aaway away na dito. Nagkakasagutan na. Pati na rin Senado at Kongreso hindi na rin nagkakaisa. At sino sa tingin ninyo ang talo kundi ang taong bayan. It’s not good for the country,” paglalahad ni Sen. Revilla.

Para naman kay Senadora Cynthia Villar inamin niya na si Sen. Estrada ang isa sa mga tinitingnan umano na kapalit ni Zubiri ngunit wala siyang nakikitang galawan gaya ng umugong na balita.

“Nabalitaan ko na rin yan pero wala naman sa akin pinapa-sign. Ang nagpapa sign ng supporta ay mismong si Zubiri para sa kanya. Sa akin wala naman pina pa sign. So I can not answer.” ani Sen. Villar.

Hindi rin aniya siya pwedeng sumagot para sa anak na Senador na si Sen. Mark Villar sa sinasabing resolusyon sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

“Tanong niyo na lang sa kanya mismo. Basta ako i-protect lamang ang Senado, okay na sa akin.” giit ni Villar.

Nauna rito ay nagpahayag na si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ng kanyang matibay na suporta sa liderato ni Zubiri kung saan ay sinabi niyang nasa kasalukuyang pangulo pa rin ang tiwala ng nakararaming senador.

Para naman sa isa sa mga pinakamalapit na kasama ni Zubiri sa Senado na si Senate Majority Leader Joel Villanueva ang kasalukuyang supermajority ay nananatili pa rin mula nuong July 2022 hangang sa kasalukuyan.

Si Villanueva, na sinasabing isa sa mga malalapit sa kasalukuyan liderato ay nagsabi rin na wala siyang nakikitang diperensya kay Zubiri dahil sa ipinakita nitong dedikasyon at kasipagan sa pamumuno bilang pangulo ng Senado sa kasalukuyan.