sara TIBAY AT PUSO — Naka-Tibay at Puso gesture si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte (center) kasama si (mula kaliwa) Rene Aquino, Lakas-CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez,Parañaque City Rep. Joy Tambunting and Congressional Candidate Gus Tambunting, ibang kandidato at daan-daang women’s sectoral leaders sa meet and greet program bilang parte ng celebration ng Women’s Month sa Mount Academy Gym sa BF Homes, Parañaque City. Kuha ni VER NOVENO

Pagpapatupad ng batas palalakasin ng BBM-Sara UniTeam

477 Views

 

Lakas
Sinasagot ni Lakas-CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez ang mga tanong ng national media kasama ang beteranong People’s Tonight reporter at columnist na si Ryan Ponce Pacpaco. Kuha ni VER NOVENO

ISUSULONG ng UniTeam nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte ang pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas kapag sila ay nanalo sa paparating na halalan.

Sinabi ni Duterte na hindi lang ang paglaban sa terorismo o iligal na droga ang dapat na tutukan kundi maging ang paglaban sa kriminalidad.

“Lahat po ‘yun dahil ang gusto ng lahat (ng Pilipino) ay mapayapang pamumuhay hindi lang po dito sa ating bansa but sa buong mundo and ‘yan po ang commitment ng UniTeam,” sabi ni Duterte.

Binisita ni Duterte ang ilang sectoral group sa Marymount Academy Gym, J sa Parañaque City ngayong Sabado.

Nagpasalamat naman si Lakas-Christian Muslim Democrats president at House Majority Leader Martin G. Romualdez sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Parañaque si Duterte.

“Nagagalak po kami, maganda ang pagtanggap sa amin dito sa Parañaque,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez patunay ng mainit na pagtanggap sa UniTeam sa iba’t ibang lugar ang resulta ng mga survey.

“Bilang presidente ng Lakas-CMD, makikita natin sa mga survey, mayroon kaming mas comprehensive na survey, very sensitive ngayon ang surveys. Tataas pa sina BBM-Sara kasi tuloy-tuloy pa rin ang pag-iikot nila. Kailangan talaga patuloy ang pagbibigay ng mensahe at paghingi ng suporta para sa halalan sa Mayo,” sabi ni Romualdez.