Valeriano

Pagpasok ng ML, AKBAYAN Party List bangungot ng mga Duterte — Valeriano

Mar Rodriguez May 21, 2025
68 Views

DUMATING na ang masamang bangungot ng mga Duterte”.

Ito ang ipinahayag ni Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano patungkol sa pagpasok ng Mamamayang Liberal (ML) at AKBAYAN Party List sa Kongreso na kapwa kakatawanin nina dating Senador Leila de Lima at human rights lawyer Chel Diokno.

Optimistiko si Valeriano na magdudulot ng positibong resulta ang pagpasok nina De Lima at Diokno bilang mga bagong miyembro ng Kamara de Representantes sa pagpasok ng 20th Congress partikular na ang pagiging kasapi nila ng Prosecution Panel.

Pagbibigyan diin ng kongresista na isang malaking “factor” sina De Lima at Diokno upang mas lalo pa nilang mapalakas ang House impeachment trial o House contingent sa gaganaping impeachment trial laban kay Vice President Inday Sara Duterte.

Gayunman, ipinahayag ni Valeriano na pagbobotohan pa nila sa Plenaryo ng Kamara de Representantes ang pagkakasama o “inclusion” nina De Lima at Diokono sa House prosecution panel.

Subalit naniniwala siya na wala naman magiging pagtutol sa mga kapwa nito Kongresista.

Dahil dito, sinabi pa ni Valeriano na ang mistulang isang masamang panaginip para sa mga Duterte lalo na kay VP Sara ang pagpasok nina De Lima at Diokno sa Kamara de Representantes sapagkat kilala umano ang dalawa bilang mga batikan at matinik na Abogado.