Bautista Transportation Secretary Jaime Bautista

Pagsasapribado ng 7-15 paliparan tinatrabaho na

Chona Yu Oct 28, 2024
55 Views

AABOT sa pito hanggang 15 airports sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang isasailalim sa Public-Private Partnership program.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nakikipag-ugnayan na ngayon ang kanilang hanay sa Asian Development Bank (ADB) para sa pagsasapribado ng mga airports.

Bukod sa Laguindingan Airport sa Cagayan de Oro, sinabi ni Bautista na tinatrabaho na rin ng kanilang hanay ngayon ang unsolicited proposals para sa pagsasapribado ng Bohol-Panglao International Airport, Kalibo International Airport, Iloilo International Airport, at Davao International Airport.

Tiniyak naman ni Bautista na kahit maisapribado na ang mga airport, maliit na halaga lamang ang itataas sa terminal fee.

“Sa ngayon, wala muna ‘no. Pero dahil ang private sector will invest billions of pesos ‘no, magkakaroon ng maliit na increase doon sa mga terminal fees para naman ma-recover nila iyong investments that they will put into the project,” pahayag ni Bautista.