PSA

Pagtaas ng presyo ng bilihin bumagal

604 Views

BUMAGAL ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala ito sa 8.6% na mas mababa sa 8.7% na naitala noong Enero.

Nananatili naman na ang presyo ng pagkain partikular ang gulay, isda, at karne ang pangunahing nagtutulak sa inflation rate ng bansa.

Pangunahin ding nagtulak sa inflation rate ang gastos sa bahay gaya ng upa, kuryente, at LPG.