Bersamin

Pagtatalaga ng mga natalo sa halalan hindi mali—ES Bersamin

150 Views

WALA umanong mali kung ang mapili ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na maging miyembro ng kanyang Gabinete ay natalo sa halalan.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga itatalaga ng Pangulo ay ang mga indibidwal na alam nitong maglilingkod upang magawa ang kanyang pagnanais na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“You know there are good people out there, and if the President wants to replace some people in the Cabinet right now, he is within his full political power to exercise that choice,” sabi ni Bersamin.

Natapos na ang one-year appointment ban sa mga natalo noong 2022 elections.

Sinabi ni Pangulong Marcos na magpapatupad ito ng reorganisasyon sa kanyang Gabinete at hindi isinasara ang posibilidad na kumuha ng natalo sa nakaraang halalan.