Calendar
Pagtatatag ng Community Health Workers Education and Training Program isinulong
ISINUSULONG ng isang kongresista mula sa Visayas ang panukalang batas na naglalayong magkaroon at magtatag ng Community Health Workers Education and Training Program kabilang na dito pagbibigay ng umento sa sahod at iba pang benepisyo para sa mga Barangay Health Workers (BHW).
Inihain ni ni Cebu City 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang House Bill No. 101 sa Kamara de Representantes para magkaroon at makapagtatag ng Community Health Workers Education and Training Program sa lahat ng barangay sa bansa upang epektibong maipatupad ang mga programa at proyekto para sa health care, maternal at child care.
Sinabi ni Frasco na alinsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, binabanggit aniya dito ang responsibilidad ng lahat ng Local Government Units’ (LGUs) na makapagbigay ng health services kabilang na dito ang pasilidad sa lahat ng mga barangay.
Ipinabatid pa ni Frasco na isinabatas (enacted) ang Republic Act No. 7883 o ang Barangay Health Worker’s Benefits and Incentives Act of 1995 upang bigyan ng suporta ang mga BHW’s sa larangan ng health education at training. Kasama na dito ang pagkakaloob sa kanila ng insentibo at benepisyo.
Ayon sa mambabatas, sa kabila ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga BHW’s bilang mga frontliners sa iba’t-ibang community based health centers sa bansa ay kulang na kulang parin umano ang mga Barangay Healthcare Workers bunsod ng mga problemang kinakaharap ng mga barangay.
Gayunman, nabatid pa kay Frasco na ang problema sa kakulangan ng mga BHW’s sa iba’t-ibang barangay sa Pilipinas ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng isinulong nitong panukalang batas (House Bill No. 101).
Sinabi pa ni Frasco na ito’y sa pamamagitann ng pagbibigay ng libreng edukasyon at training programs para sa mga BHW’s kasama na dito ang pagbibigay sa kanila ng karagdang kompensasyon at benepisyo.
“The lack of sufficient training and commensurate incentives for the services of BHW’s can be addressed with appropriate legislative action. This Bill aims to provide free Education and Training Programs for BHW’s in addition to the entitlement to additional compensation and incentives,” ayon kay Frasco.