Calendar
Pagtiwalag ni Imee sa senatorial slate ni PBBM, ayos lang
HINDI na nagulat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtiwalag ng kapatid na si Senador Imee Marcos sa senatorial slate ng administrasyon na Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa inagurasyon ng StB Giga Factory sa Filinvest Innovation Park, New Clark City Phase 1, Clark Special Economic Zone sa Capas, Tarlac sinabi nito na ayos lang kung nais ng nakatatandang kapatid na maging independente.
“Yep, that’s fine. That happens,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Inihalimbawa pa ng Pangulo ang kanyang sarili na tumakbong independente sa mga nakalipas na eleksyon.
“I’ve run as an independent myself ,many times. and so that is her choice. I suppose that gives her a little bit more scope and freedom to make her own schedule and campaign in the way that she would like to do,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Tiniyak pa ng Pangulo na suportado pa rin ng Alyansa ang kandidatura ng kanyang kapatid.
“But, you know, the Alyansa is still behind her. We are still continuing to support her.
And if down the road she chooses to join us in our campaign shortlist, she is, of course, very welcome,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bukod kay Senador Imee, nais rin ni dating Senador Ping Lacson na maging independent candidate.
Sina Senador Imee at Lacson ay kasama sa mga inanunsyo ni Pangulong Marcos na 12 kandidato sa pagka-senador ng administrasyon.