Hataman

Pagtuturo ng Arabic Language at Islamic values sa mga estudyanteng Muslim isinusulong

Mar Rodriguez Feb 13, 2023
298 Views

ISINUSULONG ng isang Muslim congressman na ituro sa mga paaralan ang Arabic Language at Islamic values para sa mga estudyanteng Muslim bilang bahagi ng kanilang “basic education”.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na isinulong ni House Deputy Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman na naglalayong maisama ang Arabic Language at Islamic values education sa Philippine basic education system.

Sinabi ni Hataman na hangarin din ng House Bill No. 7130 na ma-institutionalize ang kasalukuyang programa ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa nasabing aralin.

“We need to recognize that our diverse cultural and religious backgrounds require a more responsive educational approach. And the ALIVE Bill (Arabic Language and Islamic Values Education) is one way addressing that for Muslim students to ensure their full participation and the realization of their potential,” paliwanag ni Hataman.

Ayon pa kay Hataman, ang pagtuturo ng Arabic Language at Islamic values education ay makakapag-pataas din ng antas ng kamulatan para sa kultura at tradisyon ng mga Muslim.