Showtime

Pahayag ng ABS-CBN sa kaso ng “It’s Showtime’’

Eugene Asis Sep 5, 2023
107 Views

NAGPADALA ang ABS-CBN ng pahayag tungkol sa suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamamagitan ng kanilang Corporate Communications na pinamumunuan ni Kane Errol Choa. Narito Ang kanilang pahayag:

“Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang “It’s Showtime” sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito.

“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas. At habang nakabinbin ang Motion for Reconsideration, ang desisyon ng suspension ng programa ay hindi pa pinal at epektibo. Kaya sa ngayon ay patuloy nyo pong mapapanood ang “It’s Showtime.”

“Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang “It’s Showtime” sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People.

“Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime.”