Malakanyang

Palasyo kibit balikat sa pagtakbo ni VP Sara

Chona Yu Jan 14, 2025
13 Views

NAGKIBIT balikat lamang ang Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na seryosong ikinukunsidera ang pagtakbong pangulo ng bansa sa 2028 elections.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, walang komento ang Palasyo sa desisyon ni Duterte.

Una nang sinabi ni Duterte na seryoso niyang pinag-aaralan ang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon.

Ikinakatwiran ni Duterte na hindi na dapat na ipagpatuloy pa ang mga nangyayari sa bansa.