Vic Reyes

Palasyo todo suporta na maaprubahan P29.9B budget ng BOC

Vic Reyes Oct 21, 2026
140 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki. Lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Yoshiko Katsumata, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman. Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

***

Bilang pangalawang pinakamalaking kolektor ng buwis, nararapat lamang na may sapat na financial, material at manpower resources ang Bureau of Customs (BOC).

Ito ay para magampanan ng BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang kanyang mga tungkulin upang habulin ang mga well-entrenched smugglers.

Hindi magagawa ito ng mga taga-BOC kung wala silang sapat na pondo na ibibigay ng mga senador at kongresista.

Kaya nga todo suporta ang Malakanyang sa layuning maaprobahan ang proposed P29.9 bilyung budget ng BOC sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP).

“Hopefully, the proposed budget for the Bureau of Customs is approved as is,” sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa isang press briefing.

Ayon kay Usec Castro, ang panukalang P29.9 bilyong budget ay magpapalakas sa kampanya laban sa ismagling.

Makakabili ang ahensya ng mga kinakailangang “equipment and machinery to enhance border security.

Alam naman ng lahat na “well-equipped” ang mga tusong ismagler na suportado ng mga natirirang scalawag na lingkod-bayan.

Sinabi ni Usec Castro na ang BOC sa ilalim ni Commissioner Nepomuceno “has been producing very good results.”

Dumarami ang mga nasasakoteng kontrabando, kasama na ang mga iligal na droga, habang lumalaki rin ang revenue collection nito.

Sinabi ni Castro na “the executive department’s proposed allocation for the BOC represented what President Ferdinand R. Marcos Jr.’s administration believed the agency needed.”

Dapat lang na bigyan ng mas malaking pondo ang mga ahensyang gumagawa ng kanilang mga tungkolin.

At isa ang BOC sa mga government working agencies.

***

Noong Oktubre 18, pumirma ng isang memorandum of agreement (MOA) ang Port of Manila (POM) at Philippine Chamber of Customs Brokers, Inc. (PCCBI).

Ang MOA ay naglalayong pahusayin ang transparency sa mga“containerized examinations.”

Sa ilalim ng kasunduan, kinilala rin ang kahalagaan ng Port of Manila-Customs Industry Consultative and Advisory Council (POM-CICAC) bilang “platform for stakeholder dialogue and cooperation.”

Ang POM ang unang port “to integrate Barge Transfer Operations into the Electronic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC) system.

Sa pamamagitan ng E-TRACC system ay mamo-monitor in real time ang containerized cargo transferred through waterways.”

Ang POM ay pinamumunuan ni District Collector Rizalino Jose C. Torralba.

(Para sa pagbati at opinyon, mag-text sa 0916-8624484)