Calendar
Pambu-bully ng China sa PH binuweltahan
BUMANAT ang ilan sa mga senador at kinondena ang pangha-harass na ginagawa sa vessel ng mga Pilipino na nag-resulta sa isang collision kung saan ay sinasabing sadyang kinanti at kinayod ang Philippine vessel sa pinagtatalunan na West Philippine Sea (WPS) kamakailan lamang.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, kinakailangan umanong kumilos ng mabilis ang ating Ehekutibo sa pagsumite ng resolusyon na kumokondena sa China.
Ang resolusyon ay dapat ibigay ng agaran sa United Nations General Assembly (UNGA) upang mapahinto ang umano’y pagmamalabis at harassment na ginagawa ng China sa mga Pilipino sa gitna ng WPS.
Napag-alaman na apat sa mga kawani ng Philippine Navy personnel ay nasaktan umano at nagtamo ng sugat matapos na makipag-girian sa kanila ang China Coast Guard’s gamit ang pagpapakawala ng kanilang water cannons at Unaizah May, dahil sa ginagawang re supply mission ng mga ito patungo sa pinagtatalunan sa Ayungin Shoal.
“Sumosobra na ang Tsina. Pati hukbong dagat natin, sinaktan na. At what point can we consider this to be unlawful aggression, as understood under international law? Raising this issue to the UN organ may be a way to give Chinese vessels pause before they attack our citizens. Umaksyon na tayo bago pa mahuli ang lahat,” ani Hontiveros.
Matatandaan na si Hontiveros kasama si Senate President Migz Zubiri ay ang principal na may akda ng Senate Resolution 718, kung saan ay hinihimok nila ang Ehekutibo sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, na gawin ang lahat ng dapat gawin sa isang diplomatikong pamamaraan upang ipahinto ang mga ilegal na ginagawa ng China sa pinagtatalunan na WPS.
Ang nasabing resolusyon din ay tumutugon sa paghimok sa ating gobyerno upang humingi ng kinakailangan nitong multilateral support at enforcement gamit ang 2016 Arbitral Award, kung saan ay binigyan tayo ng legal na karapatan at binasura naman ang posisyon ng China sa kanilang ginagawang pag angkin sa kabuuan ng South China Sea.
“I trust in our diplomats’ will and capacity to take on this colossal task. The international community is already on our side, which is the side of truth. Kaya tiwala ako na magiging positibo ang resulta ng resolusyong ito,” ani Hontiveros.
“China has been violating international law again and again. Napakadami na niyang pininsala at sinira sa sarili nating teritoryo. Kung hindi natin maubos ang lahat nang diplomatikong paraan para umasal ng maayos ang Tsina, ang Tsina ang uubos sa atin,” ani Hontiveros kung saan ay sinabi rin nito na patuloy ang ginagawang pagtanggi ng China na kilalanin ang Arbitral Award na isang legal na proseso at tamang pamamaraan.
Ayon naman kay Senator Grace Poe marapat lamang na kondenahin ang ganitong aksyon ng Chinese Coast Guard dahil ito aniya ay mali at hindi makatarungan lalot hindi na diplomasya ang pamamaraan ng mga ito at nakasasakit na rin ng mga Pilipino.
“The water cannon attack against our ship on a peaceful resupply mission is deplorable and must stop,” sinabi ni Poe kung saan ay giniit din niya na ang resupply missions at ang paglalayag ng ating Coast Guard sa Philippine territory ay legal at hindi dapat pinakikialaman ng mga ito.
“We support the rules-based order in the South China Sea consistent with international laws. But we must not let pass these harassments and attacks against our Coast Guard and our people,” ani Poe.
Para naman kay Senador Jose Jinggoy Estrada ang ganitong uri ng pang bu-bully at harassment ay dapat ipaalam sa buong mundo at kinondenahin dahil ito aniya ay maliwanag na pang mamalabis lamang ng China sa katulad natin na bansa.
” I stand in solidarity with the Department of Foreign Affairs and the Philippine Coast Guard in urging China to stop harassing our vessels en route to the resupply mission to Ayungin Shoal in the West Philippine Sea,” ani Senator Estrada kung saan ay nanawagan din siya sa Tsina upang respetuhin ang international maritime laws at ihinto ang ginagawang pang aapi o pang bu bully sa ating mga kababayan sa gitna ng laot.
Tinawag din ni Estrada na istilo pangpipikon ang ganitong galaw ng China laban sa mga kababayan natin na hindi aniya katanggap tanggap kung lalot kung alam nila ang integridad.
” As a nation, we remain committed to safeguarding our territorial integrity and protecting the rights of our seafarers. We call on the international community to closely monitor regional developments and support efforts to maintain a rules-based order,” ani Estrada.