Rodriguez2

Panata ni Ms. Rodriguez ng ACT Agri Kaagapay: Magpakain ng mga deboto ng Black Nazarene taon-taon

185 Views

LIBU-LIBONG deboto ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila ang pinakain at pinainom ng presidente ng Act Agri Kaagapay Organization na si Ms. Ms. Virginia Ledesma Rodriguez.

Dalawang araw na namigay ng tubig, pagkain, pansit, puto at tinapay si Ms. Rodriguez sa mga deboto ng itim na Nazareno.

Inikot ni Ms. Rodriguez ang mga kalsada sa palibot ng simbahan ng Quiapo para ipamigay ang kanyang dala-dalang pagkain sa bawat masalubong niyang deboto.

Tinatayang nasa 25-libong deboto ang kanyang napakain.

Aniya, taon-taon niyang ginagawa ang pagpapakain ng mga deboto bilang pagbabahagi ng kanyang blessing na natatanggap sa mula sa Panginnon.

“Sa aking maliit na kakayanan ay napawi ko ang pagod at hirap ng mga deboto na nagpuyat para makasama sa prusisyon ng itim na Nazareno” ani Ms. Rodriguez.

Lubos naman ang kagalakan ng mga deboto na nabigyan ng pagkain ni Ms.Rodriguez.

Si Ms. Rodriguez ay matagal ng tumutulong sa mga less fortunate na mga kababayan.

Itinatag niya ang Act Agri Kaagapay Organization para mas marami pa ang kanyang matutulungan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Nagsimula sa Binondo, sumunod sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila hanggang sa Visayas at Mindanao ay marami ng natulungan si Ms.Rodriguez.

Si Ms.Rodriguez ay dating reporter na ngayon ay negosyante at philantropo.

Si Ms. Rodriguez ang author librong “Leave Nobody Hungry” na ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasakang ang kanyang mga “inputs” hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.