Fake news

Panawagan ng senador: Dapat parusahan fake news financiers, backers

22 Views

NANANAWAGAN si Sen. Joel Villanueva sa mga otoridad na tukuyin kung sino ang mga nasa likod ng mga naglipang fake news dahil nakakaligalig ng bansa ang mga marites na gaya nito.

“I have also been the subject of many fake news and malicious disinformation,” aniya.

“It is time that these individuals are not only exposed but be brought to justice,” dagdag ni Villanueva.

Nagpahayag si Villanueva ng suporta sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniulat na sinusuri ang nasa 20 indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa organisadong pagpapakalat ng pekeng balita online.

Iniulat din ng Department of Justice na maaaring may pinansyal na suporta mula sa hindi pa natutukoy na mga indibidwal o grupo ang mga aktibidad na ito at maaaring masampahan ng kasong cybercrime kapag umusad ang imbestigasyon.

Bagaman may umiiral na Cybercrime Prevention Act, sinabi ni Villanueva na hindi ito sapat upang tugunan ang lawak at pinsala ng kasalukuyang disinformation.

“We need to amend the law by adding stiffer penalties to put an end to this once and for all,” dagdag pa niya.

Mayroon ding umiiral na parusa sa ilalim ng Revised Penal Code para sa mga nagpapalaganap ng maling balita na maaaring magbanta sa kaayusang pampubliko.

Gayunpaman, ayon sa mga ulat, hindi pa tuwirang tinutugunan ng mga batas ang aspeto ng pinansyal na suporta sa likod ng online disinformation.

Ang panawagan ito Villanueva naglalayong mapaigting ang laban sa fake news at mapawi ang mga pangamba hinggil sa epekto ng fake news.