bbm5

Panawagan ng UniTeam tandem na magkaisa suportado sa Abra

610 Views

SUPORTADO ng mga opisyal ng Abra ang panawagan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate nitong si vice presidential candidate Inday Sara Duterte na magkaisa para sa bansa.

Ayon kay Abra Governor Ma. Jocelyn Valero Bernos ito ang nagkumbinsi sa kanya at kanyang mga kasama upang suportahan sina Marcos at Duterte sa paparating na halalan.

“First, maganda yung call for unity kasi yun ang importante for governance. Hindi makaka-act as a leader kung walang unity,” sabi ni Bernos. “‘Yun ang the best reason why kami dito sa Abra- actually wala na kaming effort for BBM automatic yan kasi Ilocano country ‘to so automatic kami by heart BBM na kami. Totoo yung solid north.”

Ang pagsuporta ni Bernos at ng 27 alkalde ng lalawigan ay lalo pang naging solido ang suporta ng mga probinsya sa hilaga sa UniTeam tandem.

“Lahat ng mayors namin for BBM- Sara lahat so pwede kong sabihin na yung suporta namin kay BBM ganun din ang support kay Mayor Inday,” dagdag pa ng gubernadora.

Umaasa si Bernos na itutuloy nina BBM at Duterte ang Dugong Bucay bridge project kapag sila ay nanalo.

Sinabi rin ni Bernos na kailangan ang tulay upang mas maging progresibo ang probinsya gaya ng nangyari matapos na maipatayo ang Don Mariano Marcos bridge noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“‘Yung Don Mariano Marcos bridge (is) connecting 10 municipalities from Bangued town so malaking tulong yun. From that project palang alam namin na si BBM ang parang magbibigay pa rin sa amin ng progress dito sa Abra,” ayon pa sa gubernadora.