Roman

Pangamba ng mga senador sa political reform walang batayan

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
92 Views

WALA umanong batayan ang pangamba ng mga senador na isisingit ng Kamara de Representantes ang political reform sa isinusulong nitong pag-amyenda sa Konstitusyon.

Sa isang press conference, sinabi ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman na magiging isang political suicide ang pagsisingit ng pag-amyenda sa political provision ng Konstitusyon kasabay ng panukalang pagbabago sa economic provision ng Saligang Batas.

“Paulit-ulit naman po naming pinapangako sa ating mga kaibigan sa Senado na talagang what you see is what you get. We have RBH 7 at ito po ay purely economic provisions,” ani Roman na ang tinutukoy ay ang Resolution of Both Houses No. 7 na ang nilalaman ay katulad ng RBH 6 na tinatalakay ngayon sa Senado na ang pakay lamang ay amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon.

“Well, from a political point of view, it will be political suicide for any politician na magsisingit pa siya ng mga political amendments. I mean no politician in his right mind would actually try or even attempt to introduce political amendments when for the longest time we have been assuring our friends in the Senate na we are only interested in amending the economic provisions,” sabi ni Roman.

Iginiit rin ni Roman ang sinabi nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang economic provisions ang aamyendahan.

“So trust us, trust us. And you know what? It’s not good to operate on the basis of irrational fears eh,” wika pa ni Roman.

“Walang mangyayari kung ganyan din ang naging mentalidad nung panahon na ipinaglalaban ng kababaihan ang karapatang bomoto, ay nakakatakot kasi baka naman ‘yong mga babae medyo subject to their mood swings, baka hindi makapili ng tamang maglilingkod sa ating bayan,” dagdag pa nito.

“Kung ganyan ang pinaiiral nating mga fears, siguro hanggang ngayon hindi pa bumoboto ‘yong mga kababaihan, di po ba? Just to put on some sort of parallelisms, what we really need is to be rational, to be professional about it, and be efficient,” wika pa ni Roman.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Roman sakaling mabigo ang Senado na aprubahan ang kanilang RBH 6.

“I can tell you what’s going to happen ‘pag hindi naaprubahan sa Upper House, we shall have lost a very golden opportunity na patunayan na gusto nating magkaroon ng pagbabago sa ating bansa,” sabi nito Roman.

Iginiit din ni Roman ang kahalagahan na unahin ang interes ng bansa kaysa sa monopolya at interes ng mga negosyante.

“We shall have lost the opportunity to show that we truly care for the interest of the people, ng taongbayan, hindi ‘yong mga monopolyo o kaya ‘yong mga particular business interests,” sabi pa nito.

Ipinunto naman ni Roman na palagi na lamang ang Senado ng nagiging balakid sa pagpapaluwag ng daan upang pumasok ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

“Pero lagi na lang ang Senado ang nagiging balakid, masasabi ano?” saad ng lady solon.

“Maybe it’s time for our friends in the Senate na patunayan, this is a different batch of senators,” sabi pa ni Roman. “A batch of senators that can actually put in their hearts the real interest of the people.”