Herrera

Panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga delivery riders isinulong ng isang kongresista

Mar Rodriguez Jul 18, 2022
149 Views

DAHIL malimit malagay sa peligro ang buhay ng ilang “delivery riders”, isinulong ng isang Party List lady solon ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes na magbibigay ng proteksiyon sa lahat ng “delivery riders” laban sa kanilang mga abusadong costumers.

Binigyang diin ni Bagong Henerasyon (BH) Rep. Bernadette Herrera na determinado siyang pangalagaan ang kapakanan ng mga “delivery riders” sa pamamagitan ng isinulong nitong panukalang batas upang bigyan sila ng proteksiyon laban sa iba’t-ibang uri ng pang-aabuso.

Sinabi ni Herrera na kabilang sa mga pang-aaabuso na nararanasan ng mga “delivery riders” ay ang mga “fraudulent” o mapanlinlang na bookings at walang habas na pananakit ng ilang costumers sa kanila na naging “viral” sa social media.

Dahil dito, nais ng kongresista sa ilalim ng isinulong nitong House Bill No. 1010 na ma-penalize ang mga salbaheng costumers na magka-cancel ng kanilang mga orders sa tinatawag na “E-Commerce platforms” katulad ng Grab, Lazada at Shoppee.

Isa sa mga nakikitang solusyon ni Herrera upang matigil na ang walang habas na pagka-cancel ng mga delivery orders ng ilang abusadong constumers ay ang pagkaroon ng “cashless paymets” o ang pagbabayad na lamang sa pamamagitan ng G-Cash.

“House Bill No. 1010 or the proposed “Magna Carta of E-Commerce Delivery Personnel seeks to ensure the safety and welfare of the independent delivery contractors by promoting cashless payments from home deliveries and penalizing of cash deliveries,” sabi ng mambabatas.