Calendar
Panukalang batas na nagre-require ng isang aplikante para sa PMMA kada isang congressional district aprubado na sa Kongreso
INIHAYAG ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagre-require sa kada distrito ng isang estudyante para mag-aral sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA).
Sa pamamagitan ng 247 affirmative votes, sinabi ni Speaker Romualdez na pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 6994 na naglalayong magkaroon ng isang applicant kada isang congressional district para pumasok at mag-aral sa PMMA.
Ipinaliwanag ng House Speaker na layunin din ng nasabing panukalang batas na matiyak na bawat distrito o congressional district ay mayroong representasyon sa katauhan ng isang magtatapos na PMMA cadet at magkaroon din ng malawak na access sa edukasyon.
“This proposed legislation does not aim to give special treatment because the applicants must still pass the examination and submit the requirements. But this will definitely ensure that at the very least, youth from across the country can start on a level playing field in terms of access to education in the prestigious PMMA,” paliwanag ni Speaker Romualdez.
Nakasaad sa Section 1 ng HB No. 6994 na ang isang “freshman cadets” na nagmumula sa isang congressional district ay kinakailangang makapasa sa entrance examination at makasunod o maka-comply naman sa laat ng admission requirements.