Tulfo1

Panukalang batas ni Cong. Erwin Tulfo inaprubahan na sa committee level

Mar Rodriguez Mar 20, 2024
148 Views

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Ways and Means ang panuakalang batas ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party List Cong. Erwin T. Tulfo para mabigyan ng trabaho ang mga senior citizens.

Ito ang nabatid ng People’s Taliba kay Tulfo matapos ihayag ng mambabatas na inaprubahan na noong Martes (March 19) ng Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Albay 2nd Dist. Cong. Joey Sarte Salceda ang inakda nitong panukala para sa mga senior citizens.

Ipinaliwanag ni Tulfo na ang pangunahing layunin ng kaniyang panukalang batas ay ang mabigyan ng trabaho ang mga senior citizens kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng insentibo upang kahit papaano ay mayroon pa rin silang pagkakakitaan o hanap buhay sa kabila ng kanilang katandaan.

Sinabi ni Tulfo na hindi lamang basta pagkakaloob ng trabaho para sa mga senior citizen ang pinupunto ng kaniyang panukala. Bagkos, nilalayon din nito na matulungan ang mga matatanda na may mapag-kaabalahan o kaya ay mapag-libangan para hindi matengga lamang sa bahay.

“The legislation goes beyond just creating jobs. It fosters social inclusion, keeps senior citizens mentally and physically stimulated and contributes to their financial security. It took us 32 years to equalize this bill congratulations to the hardworking senior citizens advocates,” sabi ni Tulfo.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Tulfo, ang mga senior citizens na may kakayahan pang magtrabaho o muling magtrabaho ay maaaring mabigyan ng pagkakataon batay sa “availability” ng nais nitong pasukang trabaho na ipapalabas naman ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“All government agencies and private entities shall institute an employment program that shall promote the general well-being of senior citizens and ensure access to employment opportunities to those who have the qualifications, capacity and interests to be employed,” sabi pa ni Tulfo.