GMA

Panukalang batas ni dating Pangulo at Pampanga Cong. GMA para Pililipino citizenship ni Hinrich Schumacher, napa-pending sa Justice Committee

Mar Rodriguez Jun 28, 2023
143 Views

KASALUKUYANG naka-pending sa House Committee on Justice ang panukalang batas na isinulong ni House Deputy Speaker at Pampanga 2nd Dist. Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na naglalayong mabigyang ng Philippine citizenship ang negosyanteng si Hinrich Schumacher.

Inihain ni Congressman Macapagal-Arroyo ang House Bill No. 8115 na naglalayong mabigyan ng Philippine citizenship si Ginoong Schumacher kabilang na rin dito ang pagkakaloob sa kaniya ng lahat ng karapatan, at pribilehiyo alinsunod sa itinatakda ng 1987 Philippine Constitution.

Si Schumacher ay dumating sa Pilipinas noong 1977 bilang Chief Executive Officer (CEO) ng Hoechst Group of Companies. Habang noong 1978 ay itinatag nito ang European Chamber of Commerce in the world in the Philippines (ECCP), kung saan mula noon ay siya na ang namahala sa ECCP hanggang 2016.

Sinabi ni Macapagal-Arroyo na si Schumacher bilang isang permanent resident ay nakapag-ambag ng malaki. Partikular na sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng suporta sa iba’t-ibang negoso at pag-imbita sa mga international companies na malagak ng negosyo sa Pilipinas.

Binigyang diin ng Pampanga Lady solon at dating Pangulo na dahil sa malaking kontribusyong naibigay o naiambag ni Schumacher para sa Pilipinas. Mas lalong lumago at umunlad ang pagne-negosyo sa bans ana nagbigay din ng napakalaking pakinabang sa mamamayang Pilipino.

“It goes without saying, then, that it has always been Mr. Schumacher’s fervent desire to finally become a Filipino citizen and in the 46 years that he has been living in the Philippines. He has proven that he is an asset to the country and that he has nothing but the best intentions in seeking citizenship,” Sabi ni Macapagal-Arroyo.