Cojuangco

Panukalang batas sa pagsusulong ng Nuclear Energy sa Pilipinas nakasalang na sa Plenaryo ng Kongreso

Mar Rodriguez Jun 1, 2023
145 Views

BAGAMA’T nagsimula na ang “Sine Die Adjournment” sa session ng Kamara de Representantes. Gayunman, inihayag ng isang Central Luzon congressman na kasalukuyang nakasalang na sa Plenaryo ng Kongreso ang panukalang batas na nagsusulong ng Nuclear Energy sa Pilipinas.

Ito ang nabatid kay Pangasinan 2nd Dist. Congress Mark O. Cojuangco, Chairperson ng Special Committee on Nuclear Energy, na nakasalang na sa Plenaryo ang consolidate Bill ng House Bill No. 8218 na naglalayong magtatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (Phil-ATOM).

Ipinaliwanag ni Cojuangco na unang inaprubahan ang House Bill No. 8218 sa Special Committee on Nuclear Energy. Kung kaya’t bilang susunod na hakbang upang tuluyan na itong maisabtas ay ang maisalang na ang nasabing panukala sa plenaryo na maaaring talakayin na sa pagbabalik ng session ng Kongreso.

Sinabi pa ni Cojuangco na bilang Chairman ng nasabing Komite, ipinagpapatuloy umano nito ang kaniyang adhikain at adbokasiya para sa pagsusulong ng Nuclear Energy sa bansa. Sapagkat ito’y malinis at malaki ang matitipid ng mga electric consumers partikular na ang mga naninirahan sa mga lalawigan.

Binigyang diin pa ni Cojuangco na ilang bansa narin ang nagpapatotoo sa mahusay na serbisyong ibinibigay ng Nuclear Energy na sinasabing listas, malinis at mura ang singil sa kanilang electric bill o bayarin sa kuryente.

“The elephant in the room for the peaceful application of nuclear technology is for electricity and energy generation. Had we installed a 55% nuclear fleet instead of the 55% imported coal fleet we have today, we would have been insulated from these fossil fuel price increases. Not only for this crisis, but for many crises throughout the decades,” sabi ni Cong. Cojuangco.

Sinabi pa ni Cojuangco na unang inatasan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang 19th Congress upang isakatuparan ang pagkakaroon ng Nuclear Energy para tugunan ang patuloy na lumakaking energy requirement ng bansa. Kung kaya’t prayoridad ng HB No. 8218 ang pagtatag ng Phil-ATOM.

“A regulator which sole purpose is to regulate nuclear technologies and ionizing radiation for safety and security would be credible not only in assuring the safety of our people, but also assuring the security of nuclear materials and facilities in the peaceful use of nuclear energy and technology to the international community,” dagdag ni Cong. Cojuangco.