Paolo

Paolo kung hiwalay na sila ni Yen: Isang magandang no comment

Eugene Asis May 15, 2024
58 Views

YenPILIT pero kahit paano ay sumagot si Paolo Contis sa tanong kung totoo ngang hiwalay na sila ng girlfriend na si Yen Santos.

Nagsimula ang mga haka-haka matapos na i-unfollow ni Yen ang lahat ng followers, kabilang na si Paolo, sa kanyang Instagram account. Talagang 0 followers ang makikita sa account ng magandang aktres.

Nang masukol si Paolo sa red carpet ng isang pelikulang ginawa niya, matipid ang kanyang sagot: “Isang magandang no comment.”

Pinasaringan pa ng aktor na mukhang ayaw talagang mapakialaman ang pribadong buhay ang mga reporter na naroon: “As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko,so I’d like to keep it personal, my personal life.”

Nagturo (pinpoint) pa ito sa mga reporter na nasa harap niya: “Dati fina-follow kita, dati fina-follow ko si Gorgy (Rula), in-unfollow ko rin kayong lahat, ibig sabihin ba naghihiwalay tayo lahat?”

Bagama’t wala na nga ang mga litrato nila at in-unfollow na siya ni Yen sa account ng aktres, iba naman sa account niya. Wala siyang tinatanggal na litrato ni Yen at pina-follow pa rin niya ito.

Kung noong una ay itinatanggi ni Paolo ang relasyon nila ni Yen (na nabuo matapos sila magkasama sa pelikulang “A Faraway Land” na ginawa sa Faroe Islands, isang archipelago ng Denmark), napilitan siyang kumpirmahin ito noong Enero noong nakaraang taon. Pero hindi niya inamin na ang relasyon niya kay Yen ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes kung kanino siya may isang anak, si Summer.

Sinabi niyang na-in love siya kay Yen dahil nanatili ito sa kanya sa kabila ng mga batikos ng ibang tao.