Quiboloy1 Pastor Apollo C. Quiboloy

Papel ni Duterte, VP Sara sa pagtatago ni Quiboloy imbestigahan

101 Views

NAIS ni Manila Rep. Joel Chua na imbestigahan ng mga ahensya ng gobyerno ang naging papel ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte sa tangkang pagtakas sa batas ni Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon kay Chua, ang dating pangulo ang tumatayo ngayong administrador ng KOJC compound kung saan nahuli si Quiboloy.

“His role within the KOJC compound places him at the center of this unfolding scandal, and the public deserves clear answers about his involvement,” sabi ni Chua.

Sinabi ni Chua na mayroon ding pahayag ni VP Sara na wala na sa KOJC compound sa Davao City si Quiboloy na maaari umanong sinadyang sabihin upang makapanlinlang.

“Her assurances that Quiboloy was no longer within the compound call into question her credibility and suggest an attempt to shield the preacher from justice,” ani Chua.

“Such actions, if proven, would not only obstruct the course of justice but also erode public trust in our officials,” saad pa nito.

Iginiit ni Chua na dapat ay nakikipagtulungan ang lahat para mahuli ang mga wanted sa batas. Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse at qualified trafficking, bukod pa sa mga kasong kinakaharap nito sa Estados Unidos.

“The father-and-daughter duo’s direct connection to the KOJC compound makes it difficult to believe that they were unaware of Quiboloy’s whereabouts. I call on the appropriate authorities to investigate these ties thoroughly,” saad ng kongresista.

“If the Duterte family played any role in protecting or enabling Quiboloy during his time as a fugitive, they must be held accountable, just like any other citizen,” wika pa nito.

Iginiit ni Chua na, “No one is above the law—not even those who once held the highest positions of power in our country.”

“The Filipino people deserve the truth. We demand a full and impartial investigation into this matter to uncover any criminal culpability and ensure that justice is served without fear or favor. The rule of law must prevail,” sabi pa ng kinatawan ng Maynila.