Calendar
Para sa mas magandang serbisyo, digitalization ng GSIS tututukan
TUTUTUKAN ni Government Service Insurance System (GSIS) president at general manager Jose Arnulfo Veloso ang digitalization ng pension fund upang mas mapaganda ang serbisyo nito sa mga miyembro.
Ayon kay Veloso nais nito na ang GSIS ang maging “gold standard” o benchmark para sa digitalization ng public sector.
“We will achieve this by harnessing the power of information technology (IT) give our stakeholders faster, better and more convenient service,” sabi ni Veloso.
Iginiit rin ni Veloso ang kahalagahan na magamit ng tama ang kontribusyon ng mga miyembro ito at mabilis na maibigay ang kanilang mga benepisyo.
Target din umano ng GSIS na siguruhin na insured ang mga ari-arian ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
“To grow our general insurance business and protect government assets, we will market our insurance products to governors, mayors, and all officials of the different branches of government,” sabi pa ng GSIS chief.