Calendar
Iniharap ni MPD Director P/BGen. Arnold Abad ang mga suspek na nagnakaw ng isang kahon ng insecticide sa Manila City Hall.JONJON C. REYES
Parak-Maynila tinimbog 2 nangnenok ng insecticide
ARESTADO ng mga operatiba ng Special Manila Reaction Team (S.Ma.R.T) ang dalawang lalaki na umano’y nagnakaw ng 20 kahon na naglalaman ng 240 bote ng Resigen Insecticide sa Delpan Evacuation Building sa Binondo, Manila noong Miyerkules sa Arzobispo St., corner Soriano Ave., Intramuros, Manila.
Kinilala ni MPD Chief Police Brig. General Arnold Abad ang mga suspek na sina alyas Lorenzo, 24, empleyado ng Manila Disaster Risk Reduction and Development Office (MDRRMO), at Danilo, 45.
Ayon sa report ni Police Major Edward Samonte, nagsimula ang insidente noong Setyembre 6 nang iulat ni Michael Cruz, 51, logistics officer ng MDRRMO, ang pagkawala ng 20 kahon na naglalaman ng 240 bote ng Resigen Insecticide na tinatayang nasa P2,184,000.
Nahuli ang suspek noong Setyembre 10 bandang alas-5:30 ng hapon, ayon sa ulat.
Sa operasyon, ibinigay ng suspek ang mga ninakaw kay Danilo kapalit ng P140,000 kaya parehong naaresto ang dalawa.
Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong qualified theft at paglabag sa anti-fencing law.

