Calendar
Parak na nanakit ng transwoman kilala na
SINABI ni Quezon City Police District (QCPD) acting director P/Col Randy Glenn Silvio na natukoy na nila ang pulis na nanakit ng transwoman sa kasagsagan ng kilos-protesta ng mga militante sa harap ng House of Representatives sa Quezon City noong Biyernes.
Binigyang-diin ni Silvio na hindi niya papahintulutan ang anumang karahasan, pang-aabuso, o panliligalig at tiniyak na papanatilihin ang kanilang matatag sa pagtataguyod at paggalang sa mga karapatang pantao .
Iginiit din niya na kanilang pinahahalagahan ang karapatan sa mapayapang pagpupulong, basta’t ito ay isinasagawa alinsunod sa Batas Pambansa Blg. 880 at iba pang naaangkop na batas.
Dagdag ng QCPD chief, ang maximum tolerance ay mahigpit na sinusunod sa mga pampublikong pagtitipon at ang mga kapulisan pinapaalalahanan na gampanan ang kanilang mga tungkulin ng may disiplina, propesyonalismo, at pagsunod sa tuntunin ng batas.

