Parak

Parak-NE nagsagawa ng simulation exercises

Steve A. Gosuico Jun 7, 2025
39 Views

CABANATUAN CITY–Nagsagawa ang Nueva Ecija police noong Huwebes ng simulation at communications exercise bilang tugon sa direktiba ni General Nicolas Torre III, ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ang kambal na aktibidad sa Cabanatuan, Gapan, Palayan, Muñoz at San Jose isinagawa para subukan at suriin ang response time ng pulisya at ang operational readiness nito.

Ayon kay PCol. Ferdinand Germino, hepe ng lalawigan, sinubaybayan nila ang mga aktibidad sa NEPPO command center gamit ang GPS para sa mga mobile patrol at pati na rin ang mga live feeds mula sa Body-Worn Cameras (BWCs) ng mga tauhan niya.

Sinabi ni Germino na gumawa din sila ng actual testing sa linya upang masubukan ang modernong gamit pang-komunikasyon ng pulisya.

Dagdag ng opisyal, isinagawa ang SIMEX/COMMEX alinsunod sa “three-minute response time” na itinakda ng bagong talagang chief PNP.

Sa pamamagitan ng makabagong set-up ng komunikasyon na ito, sinabi ni Germino na nakapagbigay din siya ng mga real-time na tagubilin sa kanyang mga tauhan.

“Ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad ay nagpakita ng kahandaan sa pagpapatakbo at kakayahan ng NEPPO,” dagdag ni Germino.