Ortega House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V

Patutsada ni PRRD na mas maganda ekonomiya noong panahon niya hindi totoo

26 Views

ISANG mataas na opisyal ng Kamara de Representantes ang nag-fact check kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte kaugnay ng kanyang pahayag na mas maganda ang takbo ng ekonomiya at mas maraming trabaho noong kanyang administrasyon, kumpara sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“True to form, as with his rhetoric, Mr. Duterte is fast and loose with his economic numbers. The official data belies his baseless statement,” ayon kay House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V.

“His administration did worse when it came to creating employment opportunities. More of our people are employed today under President Marcos Jr. than during his watch,” dagdag niya.

Ibinahagi ni Ortega ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan makikita na nasa 3.82 porsyento ang unemployment rate sa ilalim ng administrasyong Marcos noong 2024—mas mababa kumpara sa 10.26 porsyento noong 2020 sa gitna ng termino ni Duterte, kung saan bumagsak na ang ekonomiya kahit bago pa tumama ang pandemya ng Covid-19.

Sinabi rin niya na ang antas ng kawalan ng trabaho noong 2024 ay patuloy na bumuti mula sa 4.35 porsyento noong 2023 at 5.39 porsyento noong 2022, “na nagpapakita na matagumpay na naitaguyod ng administrasyong Marcos ang economic recovery at paglikha ng trabaho.”

“Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos, patuloy na bumababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Pero sa panahon ni Mr. Duterte, 2020 pa lang, bagsak na ang ekonomiya,” aniya.

Dagdag pa niya, maging ang underemployment rate—na sumusukat sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho ngunit naghahanap ng dagdag na kita o mas mahabang oras ng trabaho—ay nagpakita rin ng kapansin-pansing pagbuti.

“Under Mr. Duterte, underemployment remained above 16 percent from 2017 to 2020 and only marginally improved in 2021 and 2022. Under President Marcos Jr., underemployment has dropped to 11.93 percent in 2024, the lowest in recent years, signaling a shift toward more stable and sustainable employment,” dagdag niya.

Binatikos din ng lider ng Kamara ang paraan ng pamamahala ni dating Pangulong Duterte sa ekonomiya. Aniya, sa kabila ng pagkakaroon ng mga taon bago ang pandemya upang palakasin ang labor market, nabigo ang kanyang administrasyon na ihanda ang bansa para sa mga hamon sa ekonomiya.

“Hindi pwedeng isisi ng nakaraang administrasyon sa pandemya ang bagsak nitong economic performance. In fact, the Duterte government had time to implement reforms starting in 2016, years before the pandemic,” aniya.

Sa kabaligtaran, sinabi ni Ortega na inuuna ng administrasyong Marcos ang paglikha ng trabaho, pamumuhunan at pagpapaunlad ng imprastraktura.

“President Marcos Jr.’s leadership has forged stronger partnerships with private investors, both domestic and international, which has led to sustained job growth. His administration’s economic strategy focuses on long-term employment solutions, not just short-term recovery measures,” ayon kay Ortega.

“Sa halip na puro batikos, mas makabubuti kung magkaisa tayong palakasin ang ekonomiya. If Mr. Duterte and his allies truly care about the Filipino people, they should contribute constructively, rather than distort the facts,” dagdag niya.